Wednesday, December 6, 2017

Sa Likod ng Manibela




*Ang Una kong Post sa Tagalog. Plano ko sanang gumawa pa ng maraming kwentong kalsada, napaka daming kwentong nag hihintay na isulat.


from star driving facebook page
    Halos mag iisang taon pa lang ng magkaroon ako ng lakas ng loob na mag maneho ng aming sasakyan, Maituturing na isa akong baguhan na drayber. At bago ako nagka-roon ng lakas ng loob, dalawang beses akong pumasok sa driving school. Oo, dalawang beses akong pumasok, nais ko kasing makasigurado na handa na akong mag maneho at sumabak sa daan. Defensive driving ang usual na itinuturo sa isang driving school. Isa ring karangalan para sa akin na magkaroon na ng lisensya kahit mag-hapon ang pila sa LTO.


credit to the owner (picture not mine)
    Medyo matagal din ang panahong dumaan bago kami nagka unawaan ng aking manibela. Tumagaktak din ang aking pawis, noong una akong sumabak sa traffic ng nag-iisa. Hindi kinaya ng lamig sa loob ang butil butil na pawis na tumutulo sa aking noo. Ni hindi magka-intindihan ang tapak ko sa clutch para ilagay ang kambyo sa segunda. Mahirap sa isang baguhan ang manual na sasakyan.


   May mga bagay na hindi nakukuha sa mabilisan, isa na siguro ay ang lenggwahe ng pagmamaneho. Ika nga nila, isang skills ang pagmamaneho na nakukuha at na-peperpekto sa haba ng panahon na na  GUGULIN MO SA LIKOD NG MANIBELA.  


    Ngunit sa araw-araw ko sa daan, aking napansin ang mga karakter at mga bagay bagay na hindi ko karaniwang nakikita, noong ako ay pasahero pa. Sila ay lubos kong nakilala noong ako ay nasa likod ng manibela, heto sila:

  • Sina Ate, Kuya, Manong at Manang na naglalakad sa Buwan habang tumatawid sa daan - hindi ko naiintindihan kung bakit sina ate, kuya, manong at manang ay parang nasa buwan habang tumatawid sa kalsada. Ang masaklap pa habang tumatawid sila, hindi nila matingnan ang sasakyang aking dala. Wala naman sigurong atraso sa kanila ang aking sasakyan at hindi nila matingnan ng kanilang mata. Maiintindihan ng gaya kong driver kung ang mga lolo at lola nating senior citizen ang mga tumatawid sa kalsada. Paalala lang mga Ate, Kuya, Manong at Manang sa tamang tawiran tayo tatawid, at ang turo sa atin sa paaralan bago tumawid, tumingin muna sa kaliwa't kanan. Subukan ninyong tingnan ang mga sasakyan na dumarating sa inyo.  
  • Ang mga rak en roll na motor  - hindi ito race... hindi rin kayo mag kaka award kung mauuana kayo sa kalsada. Bakit kaya hindi nila masundan ang mga traffic signs at traffic lights. Hindi pa Green mga Kuya, dapat hindi pa tayo tumatakbo. Huwag pati susulpot lagi sa kanan, bigla na lang susulpot sa kanan. Gamitin ninyo ang mga signals kung kakaliwa at kakanan kayo, may-roong lights at hand signals dba? Hindi rin relo or porselas ang inyong mga helmet para ilagay ninyo sa inyong braso. Hindi ikakabawas ng machismo ninyo kung may suot kayo sa inyong ulo.

Ang dami daming kong kwentong kalsada ngayong nasa likod na ako ng manibela, Mukhang mahaba haba pang kwentuhan, sa susunod na post ulit. Shinare ko rin yung tweet ni Atty. Hilbay, ayos din!






No comments:

Post a Comment