I was invited to be the guest speaker for the Recognition Day of my former school, the Macalelon Central Elementary School where I am a former Alumnus. I spent my Elementary days there before I moved out to the City and continue my High School Education at Holy Rosary Catholic School. I was hesitant at first because I know that I am not yet ripe to give a message, but the mere fact that I am considered I eventually said Yes.

I guess it took me about 25 minutes or less to delivered my message and what I could not forget about the whole event is the latter part of the program. A family approached me and asked if I could have a picture with them. The thing that struck me is what the Father had told me, "Salamat Sir, Sana ay maging gaya nyo, maging guest speaker din itong mga anak ko." My heart just melt at that moment. I could not help but think about my Dad too. I know he is very proud of me too. He even checked my outfit before I leave the house. I could not also help but missed my Mom, she was always my proofreader checking my Tagalog Speeches every time I was invited in this kind of occasion. But the thought that she was listening in heaven as I was delivering my message made a filial happiness in my heart.
So let me share my message:
Theme : “Kabataan sa K-12, tagapagdala ng kaunlaran sa bansang Pilipinas”.
I karangalan na ako ay maimbitahan sa umagang ito upang masaksihan ang pagkilala at pagpaparangal sa mga mga batang nagpakita ng kanilang katangi tanging kakayahan… ng sipag… kagandahang asal at talino. At nais ko rin pong bigyan ng parangal ang kanilang mga magulang, ang kanilang pamilya, kaklase at higit sa lahat sa kanilang mga guro at sa lahat ng bumubuo ng Macalelon Central Elementary School, ang inyong mga guro na kahit semana santa, alam ko po ay nagta trabaho para sa okasyong ito. At bilang anak din ng isang dating guro napakalaking pagpapahalaga po ang ibinibigay ko sa inyo, napakalaking ambag po ang naiibibigay nyo sa mga batang ito. At lahat po na nandito ngayong umagang ito, na nagbigay ng kani-kanilang kontribusyon upang makamit ng mga batang ito ang mga karangalang igagawad sa kanila, kaya po sa kanilang magulang, pamilya at sa ating mga guro bigyan natin ang bawat isa ng masigabong palakpakan… ang araw na ito ay araw ng pagpaparangal at pag-pupugay sa bawat isa sa inyo.
Nostalgic at surreal po, kakaiba po ang pakiramdam… Masaya na muli akong tumuntong sa entabladong ito, pagkatapos ng halos kulang kulang na dalawang dekada, muli na namang umapak ang aking mga paa sa mismong lugar na kinakatayun ko. Marami pong alaalang dumadaloy sa aking isipan tuwing bumabalik po ako dito. Na alala ko ang mga lugar na aming madalas na pinag lalaruan. Naalala ko ang pisong palamig na pamtawid uhaw naming sa tuwing kami ay naglalaro (wala na pong pisohing palamig ngayon ano po?). Na aalala ko rin ang canteen ng aking nanay na may pisohing tinapay na may palamang spaghetti o peanut butter. Solve na po ang gutom pag may baon kayong 3 o limang piso. Ngayon ba mga bata pwede pa bang mag baon ng 3 piso? Napaka payak po ng buhay estudyante namin noon. Naalala ko din po ang mga boy scout’s activity na kung saan dito kami natutulog at gumagawa ng napakaraming activity. Na alala ko rin ang bawat hapon na matiyaga at puspusang paghahanda ko para sa paglaban sa quizbee sa bayan ng Tiaong, dyan po sa taas sa, habang ang mga kaklase po ay naglalaro at nag sisipag uwian na. Napakasaya pong balikan ang mga iyon. Ito po ang paaralang na humubog sa isang bata na nangarap ng maraming bagay. Isang bata na nangarap na makatapos ng kaniyang pag aaral at nangarap na balang araw ay makatulong sa kaniyang pamilya at sa kaniyang lupang sinilangan. At mapalad po ang batang iyon na muling bumalik sa paaralang luminang sa kanya at ngayong umaga ay bumalik upang magbigay ng kanyang mumunting tinig upang makapag bigay mununting inspirasyon sa mga batang gaya nya… ay nagkaroon ng maraming pangarap nung siya ay kasing gulang nila.
Mapalad po akong maimbitahan sa panahon na ang full implementation ng K to 12 Education program ay mangyayari na sa susunod na School Year. Natatandaan ko po ang K to 12 ay unang inalok noong SY 2012 – 2013 at maituturing na “Biggest Education Reform” ng Kagarawan ng Edukasyon sa ilalim ng ating Pangulong Benigno Aquino. Sabi nga po ng DepEd “The K to 12 Basic Education Program develops and harness the skills and competencies of the Filipino Youth that will led to human and community development.
Gaya po ng nasabi ng ating gurong tagapag-pakilala ako ay isa ding guro ngayon, kasalukuyang isang Professor sa Eastern Quezon College sa College of Commerce at nagtuturo ng Batas sa Komersiyo. At naniwala ako na sa ilalim ng K to 12 bilang isang guro, na ang kabataang gaya nyo ay inihahanda upang mas maging maganda at maliwanag ang inyong kinabukasan.
Hindi po ako produkto ng K to 12. Ang marami po akong naririnig na tatagal pa ang edukasyon ng kanilang mga anak at hahaba pa daw po ang ilalagi na mga estudyante sa paaralan. Hindi man po ako produkto ng bagong programa. Pero mga bata produkto ako ng isang mahabang edukasyon. . I’ve spent more than 20 years of my life studying. Mahigit Dalawangpung taon po akong nag –aaral. From Day Care, Kindergarden to Elemenatay, High School, sa aking pre-law at Law School.
Marami po akong pinagdaanan sa loob ng 20 years kong pag-aaral. Sa murang edad kong labingdalawa ay malayo na ako sa aking Nanay at Tatay at natutunan ko na maging independent o mag-isa at sa edad iyon natutuhan ko na ang lahat ng gawaing bahay. Mag laba ng aking school uniform, lahat inaral ko dahil wala ako sa piling ng aking mga magulang na gagawa ng mga gawaing iyon. May pagkakataon nga pong kapag huwebes na at wala na po kong allowance, no choice po kundi monay oh iyong tinatawag dito sa atin ang nutriban ang kakainin kong tanghalian at hapunan dahil ang baon ko po ay darating pa ng sabado sa MAC2. Meron pong pagkakataong tumigil din ako sa aking pag-aaral nung nasa Law School po ako. Ako ay huminto para mag trabaho at makapag ipon, at matustusan ko ang aking sarili, sa pambili ng libro hanggang sa pang tuition, dahil talaga pong gusto kong makatapos ako po ay bumalik at nakuha ang aking LL.B Degree. Ngunit sa kabila po ng hirap ng buhay, ako at ang aking mga kapatid ay hindi sumuko sa pag aaral at ngayon po lahat kami ay tapos na. Ito po ay dahil sa sipag ng aking mga magulang sa pagta trabaho at wala nilang sawang suporta, at sa aming mga anak na hindi sumuko sa kabila ng hirap ng buhay. Isang pagtutulungan sa panig ng aking mga magulang at sa panig naming mga anak. Clear example po ito ng teamwork.
Hayaan nyo po akong ibahagi ang mga linya sa isa sa aking paboritong libro ang Alchemist ni Paolo Coelo. Ang sabi sa libro; nung tayo ay bata pa oh gaya ninyong mga bata lahat tayo ay may Personal Legend o Pangarap na nais nating abutin. At sa puntong itong ating buhay lahat ay malinaw, ang ating mga pangarap ay kongkreto at kayang kaya nating abutin at hindi tayo takot mangarap Ngunit sa pag daan ng panahon at habang tayo ay lumalaki merong mga pangyayari at sitwasyon sa ating buhay na nagsasabi sa atin na an gating pangarap ay impossible na nating makamit. Pero sa kwentong ito si Santiago, ang batang bida, na sa dami dami ng kanyang pinagdaan eh sa huli kahit napakatagal at napakahirap ng kanyang nilakbay ay natupad din niya ang kanyang pangarap. Dahil sabi nga sa libro, tandaan nyo ito mga bata, “When you want something, all the universe conspires in helping you to achieve it”. Na ang ibig sabihin mga bata, kapag may pangarap kayo at talagang gusto ng inyong puso, tutulungan kayo ng Diyos at ng mundo para makamit ninyo ang inyong mga pangarap. Kaya kayong mga bata mangarap kayo at sa pagkakaroon nyo ng pangarap tutulungan kayo ng Diyos upang makamit ito. Dahil ang Panginoon at ang mundong ito ay mapagbigay sa mga taong tinatahak ang kanilang Personal Legend oh ang kanilang Pangarap. Kaya mga bata kung ang gusto nyo ay mapasama sa honor roll o maging first o second honors, huwag kayong malulungkot agad-agad pag hindi ninyo ito nakuha, mag aral kayo ng mabuti at sa huli bibiyaan kayo sa inyong ginawa at makakamit ninyo din ang inyong Persona Legend.
Mga Bata gaya ninyo, nangarap din ako at kailanman ay hindi susuko. Huwag tayong susuko, sabi nga ni Yvonne Thorton “Never Give Up, never, never give up! Because the only person that can stop you is – you! Na ang ibig pong sabihin; “Huwag kang sumuko, huwag na huwag kang susuko. Dahil ang kaisa-isang taong makapipigil sayo sa pagkamit ng mga pangarap mo ay ikaw mismo. Marami kayong pag daraanan, mga pagsubok man yan o mga balakid sa buhay pero huwag kayong kailanman papanghinaan ng loob at huwag susuko. At aking mismong Personal Legend ay hindi ko din sinusukuan.
At pagdating ng panahon na matupad ninyo ang lahat ng inyong pangarap. Sana itanim ninyo sa mga puso ninyo ang pagiging mapagkumbaba. Noong lumalaki po ako noon ko lang nalaman ang value ng humility. At kung kayo ay matagumpay na, ito naman ang panahon ninyong tumulong. Ito ang tinatawag na giving back or pay it forward.
Ako po ay may karagdagang mensahe sa ating mga magulang, mula sa perspektibo ng isang anak na natuto sa kanyang mga magulang. hindi po magtatagumpay ang mga batang ito sa pagkamit ng kanilang mga pangarap kung hindi nyo po sila tutulungan. Alam ko po na ang bawat araw ng mga batang ito sa pagpasok sa elementarya ay minsang nagpapasakit ng inyong ulo (tama po ba), sumukat sa inyong pasensya at nagpasakit din ng inyong bulsa sa kada hingi ng baon. Ngunit sana po ay patuloy ninyo silang gabayan sa pagtahak sa kanilang pangarap dahil mahaba haba pa ang kanilang lalakbayin. Huwag sana po kayong panghinaan ng loob sa pag-aaral sa mga anak ninyo. Magpakatatag po kayo at Humingi ng Tulong Sa poong Maykapal. Pray at Hardwork, magka tandem po ito and it really works. Subok na po ito.
At kayong mga estudyante, huwag maging pasaway. Tulungan ninyo sila sa mga gawaing bahay ng sa ganoon ay mapawi ang pagod nila. At higit sa lahat at ito ang pinaka importante mag-aral kayo ng mabuti. Itanim ninyo ito sa inyong mga puso.
Before I would end my speech I would like to leave a very moving line from the Book of Knowledge “Education is a long term process, a journey which ends to give way for another beginning”
Muli sa mga batang paparangalangan sa umagang ito taos sa aking puso ang pagbati sa inyo at baunin ninyo ang aking mga panalangin sa bawat isa sa inyo. Sana ay magtagumpay kayo sa daang inyong tatahakin.
Congratulations at muli magandang umaga po.
I hoped I conveyed my message well to the kids of MCES and to all the parents too :)